NEW YORK, Sept. 12, 2023 — Ang SunCar Technology Group Inc. (“SunCar” o ang “Kompanya”) (Nasdaq: SDA), isang nangungunang tagapagbigay ng digitalized na mga serbisyo sa automotive after-sales ng enterprise at online na serbisyo sa pagitan ng insurance sa China, ay nag-anunsyo na pumirma ito sa tatlong taong kasunduan sa serbisyo ng designated na pagmamaneho nito sa China CITIC Bank (“CITIC”), ang ikapitong pinakamalaking nagpapautang sa China sa termino ng kabuuang assets, at isang pambansang komprehensibo at pandaigdig na komersyal na bangko. Nagpapatakbo ang CITIC ng higit sa 160 na mga sangay sa mainland China pati na rin ang mga sangay sa Hong Kong, Macau, New York, Los Angeles, Singapore at London.

Ang serbisyo sa designated na pagmamaneho ng SunCar ay isang popular na serbisyo sa mga elite nitong institutional na mga customer tulad ng CITIC. Ibinibigay ng mga customer na ito ang serbisyo ng SunCar bilang bahagi ng kanilang mga loyalty program sa kanilang mga end customer. Para sa kanila ang SunCar ang pinakamagandang pagpipilian para sa mga value-added na serbisyo habang nagbiyahe sa negosyo sa bahay at sa ibang bansa. Nagtayo ang SunCar ng isang komprehensibong digitalized na internal na sistema ng pamamahala upang garantihan ang kalidad ng serbisyo na ibinibigay nito.

Tungkol sa SunCar Technology Group Inc.

Orihinal na itinatag noong 2007, binabago ng SunCar ang customer journey para sa insurance ng kotse at mga aftermarket na serbisyo sa China, ang pinakamalaking passenger vehicle market sa mundo. Binubuo at pinapatakbo ng SunCar ang mga online na platform na seamless na kumokonekta sa mga driver sa isang malawak na hanay ng mga serbisyo sa automotive at mga opsyon sa coverage ng insurance mula sa isang pambansang network ng mga provider partner. Bilang resulta, itinatag ng SunCar ang sarili nito bilang lider sa China sa merkado ng B2B automotive after-sales services at sa online na insurance market para sa mga electric vehicle. Pinapagana ng multi-tenant, cloud-based na platform ng kompanya ang mga enterprise client nito na optimally na ma-access at pamahalaan ang kanilang customer database at mga offer, at nakukuha ng mga driver ang access sa daan-daang mga serbisyo mula sa sampung libong mga independent na provider sa isang application lamang.

Mga Pahayag Ukol sa Hinaharap

Naglalaman ang press release na ito ng impormasyon tungkol sa pananaw ng Kompanya sa mga inaasahan nito sa hinaharap, mga plano at mga prospect na bumubuo ng mga pahayag ukol sa hinaharap. Maaaring magkaiba nang malaki ang mga aktuwal na resulta mula sa mga historical na resulta o yaong ipinahiwatig ng mga pahayag ukol sa hinaharap na ito bilang resulta ng iba’t ibang mga factor kabilang ngunit hindi limitado sa mga panganib at kawalang katiyakan na may kaugnayan sa kakayahan nitong makalikom ng karagdagang pagpopondo, kakayahan nitong mapanatili at palaguin ang negosyo nito, pagbabago ng mga resulta sa operasyon, kakayahan nitong mapanatili at mapahusay ang tatak nito, pagbuo at pagpapakilala ng mga bagong produkto at serbisyo, matagumpay na pagsasama ng mga na-acquire na kompanya, teknolohiya at mga asset sa portfolio nito ng mga produkto at serbisyo, mga inisyatiba sa marketing at iba pang pagbuo ng negosyo, kompetisyon sa industriya, pangkalahatang regulasyon ng gobyerno, mga kondisyon sa ekonomiya, pagdedepende sa mga mahahalagang tauhan, kakayahang kumatak, kumuha at panatilihin ang mga tauhang may mga kakayahang teknikal at karanasan na kinakailangan upang matugunan ang mga kinakailangan ng mga kliyente nito, at kakayahan nitong protektahan ang intellectual property nito. Hinihikayat ng Kompanya na suriin ang iba pang mga factor na maaaring makaapekto sa mga resulta nito sa hinaharap sa mga taunang ulat ng Kompanya at sa iba pang mga filing nito sa Securities and Exchange Commission.

Contact

SunCar:

Mga Relasyon sa Investor: Ms. Hui Jiang

Email: IR@suncartech.com

Legal: Ms. Li Chen

Email: chenli@suncartech.com