• Nagdeliver ang NIO ng 19,329 na sasakyan noong Agosto 2023, tumaas ng 81.0% taun-taon
  • Nagdeliver ang NIO ng 94,352 na sasakyan taun-taon sa 2023, tumaas ng 31.9% taun-taon
  • Ang kabuuang pagdedeliver ng mga sasakyan ng NIO ay umabot sa 383,908 hanggang Agosto 31, 2023

SHANGHAI, Tsina, Setyembre 01, 2023 – Inihayag ngayong araw ng NIO Inc. (NYSE: NIO; HKEX: 9866; SGX: NIO) (“NIO” o ang “Kompanya”), isang pioneer at nangungunang kompanya sa premium smart electric vehicle market, ang mga resulta ng pagdedeliver nito para sa Agosto 2023.

Nagdeliver ang NIO ng 19,329 na sasakyan noong Agosto 2023, kumakatawan sa pagtaas na 81.0% taun-taon. Binubuo ang mga pagdedeliver ng 12,015 premium smart electric SUVs, at 7,314 premium smart electric sedans. Umabot sa 383,908 ang kabuuang pagdedeliver ng mga sasakyan ng NIO hanggang Agosto 31, 2023.

Tungkol sa NIO Inc.
Ang NIO Inc. ay isang pioneer at nangungunang kompanya sa premium smart electric vehicle market. Itinatag noong Nobyembre 2014, ang misyon ng NIO ay hubugin ang isang masayang pamumuhay. Layunin ng NIO na bumuo ng isang komunidad na nagsisimula sa mga smart electric na sasakyan upang ibahagi ang saya at lumago nang sama-sama sa mga gumagamit. Dinidesign, binubuo, pinagsasamang nagmamanupaktura at nagbebenta ang NIO ng mga premium smart electric na sasakyan, na nagdadala ng mga inobasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga teknolohiya sa autonomous driving, digital technologies, electric powertrains at batteries. Ipinagkaiba ng NIO ang sarili nito sa pamamagitan ng patuloy nitong mga teknolohikal na pag-unlad at mga inobasyon, tulad ng industry-leading battery swapping technologies nito, Battery as a Service, o BaaS, pati na rin ang sarili nitong mga teknolohiya sa autonomous driving at Autonomous Driving as a Service, o ADaaS. Binubuo ang product portfolio ng NIO ng ES8, isang anim na upuang smart electric flagship SUV, ang ES7 (o ang EL7), isang mid-large five-seater smart electric SUV, ang ES6, isang five-seater all-round smart electric SUV, ang EC7, isang five-seater smart electric flagship coupe SUV, ang EC6, isang five-seater smart electric coupe SUV, ang ET7, isang smart electric flagship sedan, ang ET5, isang mid-size smart electric sedan, at ang ET5 Touring, isang smart electric tourer.

Safe Harbor Statement
Naglalaman ang press release na ito ng mga pahayag na maaaring ituring na “forward-looking” alinsunod sa “safe harbor” provisions ng U.S. Private Securities Litigation Reform Act ng 1995. Maaaring kilalanin ang mga forward-looking na pahayag na ito sa pamamagitan ng mga terminolohiyang tulad ng “will,” “expects,” “anticipates,” “aims,” “future,” “intends,” “plans,” “believes,” “estimates,” “likely to” at katulad na mga pahayag. Maaaring gumawa ang NIO ng nakasulat o pasalitang mga forward-looking na pahayag sa mga periodic report nito sa U.S. Securities and Exchange Commission (ang “SEC”), sa taunang ulat nito sa mga stockholder, sa mga anunsyo, circulars o iba pang mga publikasyon na ginawa sa mga website ng bawat Stock Exchange of Hong Kong Limited (ang “SEHK”) at Singapore Exchange Securities Trading Limited (ang “SGX-ST”), sa mga press release at iba pang nakasulat na materyales at sa mga pasalitang pahayag na ginawa ng mga opisyal, direktor o empleyado nito sa mga third party. Ang mga pahayag na hindi mga katotohanang pangkasaysayan, kabilang ang mga pahayag tungkol sa mga paniniwala, plano at inaasahan ng NIO, ay mga forward-looking na pahayag. May kasamang likas na mga panganib at hindi tiyak ang mga forward-looking na pahayag. Maraming mga factor ang maaaring magresulta sa materyal na pagkakaiba sa anumang forward-looking na pahayag, kabilang ang ngunit hindi limitado sa mga sumusunod: Mga estratehiya ng NIO; Ang hinaharap na pagpapaunlad ng negosyo, kalagayan ng pananalapi at resulta ng operasyon ng NIO; Ang kakayahan ng NIO na bumuo at magmanupaktura ng isang kotseng may sapat na kalidad at apila sa mga customer sa takdang oras at sa malaking saklaw; ang kakayahan nitong tiyakin at palawakin ang mga manufacturing capacity kabilang ang pagtatatag at pagpapanatili ng mga partnership sa mga third party; ang kakayahan nitong magbigay ng maginhawa at kumpletong mga solusyon sa kuryente sa mga customer nito; ang viability, growth potential at mga prospect ng bagong ipinakilalang BaaS at ADaaS; ang kakayahan nitong pahusayin ang mga teknolohiya o bumuo ng alternatibong mga teknolohiya sa pagtugon sa nagbabagong pangangailangan ng merkado at pag-unlad ng industriya; ang kakayahan ng NIO na matugunan ang ipinag-uutos na mga pamantayan sa kaligtasan na may kaugnayan sa mga sasakyang de-motor; ang kakayahan nitong makakuha ng supply ng mga raw material o iba pang mga component na ginagamit sa mga sasakyan nito; ang kakayahan nitong makakuha ng sapat na mga reserbasyon at benta ng mga sasakyan nito; ang kakayahan nitong kontrolin ang mga gastos na may kaugnayan sa mga operasyon nito; ang kakayahan nitong buuin ang brand ng NIO; ang pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya at negosyo sa buong mundo at sa Tsina at mga assumption na may kaugnayan o nauugnay sa alinman sa mga naunang nabanggit. Matatagpuan ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga panganib na ito sa mga filing ng NIO sa SEC at sa mga anunsyo at mga filing sa mga website ng bawat SEHK at SGX-ST. Ibinibigay ang lahat ng impormasyong ibinigay sa press release na ito bilang petsa ng press release na ito, at hindi umaako ng anumang obligasyon ang NIO na i-update ang anumang forward-looking na pahayag, maliban kung kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin: http://ir.nio.com

Mga Relasyon sa Investor
ir@nio.com

Mga Relasyon sa Media
global.press@nio.com